Rianald

Pista ng araw naiyon sa lugar nina Roland at Raissa sa Laguna. Kina umagahan, habang abala si Roland sa paghahanda sa kapistahan, si Raissa naman ay gumagawa ng mga pang-araw-araw na gawaing bahay sapagkat hindi naman kailangan ng kanilang pamilya’ng magluto ng mga pagkain dahil magke-cater na lamang sila.
Si Roland at Raissa ay isang taon nang magkasintahan. Nang araw an iyon, gustong makita ni Roland ang minamahal na dalaga. Ngunit, gustuhin man niyang puntahan sa bahay si Raissa alam niyang hindi pwede dahil pinagbawalan itong magkaroon ng kasintahan, lalo na nong nalaman ng kanyang kamag-anak na may relasyon silang dalawa, mahigpit na pinagbawalan ang dalaga. Gustuhin man rin niyang mamasyal sila sa araw na iyon sa siudad, ay hindi rin pupwede dahil hinhi papayagan si Raissa na umalis sa araw na iyon. Ganon pa man, sinubukan niya paring itext ito at kumbinsihing makipagkita sa kanya kahit saglit lang. Awang-awa man si Raissa sa kasintahan at gustuhin man din niyang makita ito, mas pinili parin niyang manatili nalang sa bahay at hindi umalis, nag sagayon ay hindi siya pagdudahan ng masama sa kanyang mga kamag-anak at kasama sa bahay dahil importante sa kanya ang bawat sasabihin nito. Ayaw niyang malaman ito ng kanyang mga magulang at tiyahin at baka tuluyan na siyang paghigpitan ng mga ito at bawalang lumabas. Pagnagkataon, mas lalong mahihirapan silang Makita at makasama ang isa’t-isa. Magtampo man ang nobyo, titiisin na lamang niya ito kaysa ikapapahamak na man nila ang kapalit kapag ipinilit ang gusto.
Nagsipagdatingan na ang mga bisita kinagabihan. Malimit na silang makapagtext. Matapos kumain ng mga bisita ni Raissa, niyaya siyang mamasyal ng mga ito sa plaza at tumingin sa perya. Ipinaalam niya it okay Roland at sumang-ayon naman ito. Si Roland naman ay pumunta rin sa kanyang mga barkada at dahil pista, nag-inuman sila.
Pagsapit ng alas-10, dalawa nalang silang naiwan ni Raissa na namamasyal dahil ang iba ay nagsipag-uwian na ng maaga at baka mapagalitan pagnatagalan. Dahil si Fe ay sa bahay nalang nila matutulog, naisipan nilang mamasyal na lang muna. Naisipan ni fe na punahan sa bahay nila si Roland at doon nalang magkwentuhan dahil pagod na rin naman silang palakad-lakad. Ayaw pumayag ni Raissa, ngunit sa pamimilit ng kaibigan, sumang-ayon na rin siya. Habang papunta sa bahay ng nobyo, nag-iingat silang hindi makakita ng kakilala. Pagkarating sa bahay nila Roland, hindi niya nadatnan doon ang lalaki kasi di na man ito nagpaalam sa kanya kung saan pupunta. Tinawag ng kanyang ama si Roland pero hindi sinabing nasa bahay sina Fe at Raissa Plano nila itong surpresahin. Nag makarating ito ay tuwang-tuwa siyang napayakap sa dalaga.
Nagkukwentuhan lamang sila doon at pagsapit ng alas dose ay napagpasyahan nilang umuwi na. Bilnilinan ni Raissa si Roland na sabay silang matutulog mamaya a wag nag-umalis. Tumango na man ito. Nang makarating sila sa bahay ay wala nang mga bisita. Mayamaya ay nagyaya na si Raissa'ng matulog. Nagtext na rin siya kay Roland na matutulog na sila at wag nang lumabas ng bahay. Nagreply naman ito ng oo.
Hindi makatulog si Raissa ng mga sandaling iyon at naisipan niyang tawagan si Roland may pakiramdam siyang gising pa ito. Ang ginamit niyang phone ay kay Fe dahil alam niyang sasagutin ito ni Roland kun talagang isin pa nga ito. Kapag numero niya kasi an gamiting pantawag, tiyak hindi ito dadamputin para mapaniwalang tulo na siya.
Sa inasahan, yon nga ang nangyari. Hindi muna siya umimik at pinakinggan ang lugar at ang mga taong nagsasalita. Magulo at maingay talaga ang lugar. Sumagot si Roland sa kabilang linya, “ hello Fe?”. Sa hindi malamang isasagot bigla niyang naitanon, “akala ko, tulog ka na? Bat gising kapa?” pinigilan niyang wag muna magalit at pakinggan ang mga sasabihin nito. Nalaman ni Roland na si Raissa pala ang nasa kabilang linya, hindi ito nakaimik. Nagtanong uli si Raissa, “asan ka ba? Bakit parang ang ingay naman yata?”at nag makahanap na nang idadahilan, “tulog na nga ako, kaso napatawag ka. Nasa bahay lang naman ako.”. Raissa, “Bakit parang maingay yata?” Roland, “Nagkakantahan kasi sila dito”. Ayaw maniwala ni Raissa dahil alam niyang nagdadahilan lamang ito para hindi mapagalitan. Pero mas pinili niyang paniwalaan ito at niyaya niyan matulog na.
Kinabukasan, takang-taka si Raissa kun bakit tanghali na ay wala pa rin siyan natanggap na text mula dito. Kadalasan kasi, ito ang unang nagtetext ng morning greetings sa kanya. Itenext na niya ito ngunit di pa rin nagreply. Mga alas-11 na nang maisipan niyang tawagan ito. Nakakailan tawa na siya ngunit wala paring sumasagot. Tinawagan parin niya ito hanggang sa wakas sumagot na rin. Laking taka niyang tunog bagong gisin ang boses nito, halatan pagod at kulang sa tulog. Raissa, “Kagigisin mo lang?” Roland, “oo,bakit?” Raissa, “Nagataka lang ako, kasi kahit matulog ka man ng matagal sa gabi, maaga ka parin na man gigising at agad kang nagtetext.” Roland, “ Inaantok pa kasi ako eh, kaya tinamad akong bumangon”. Sa galit ni raissa, hindi niya napigilang pagtaasan ito ng boses, Raissa, “Wag mo akong niloloko, hindi ako tanga!” at binagsakan niya ito n telepono. Halatan natakot si Roland sa sinabi ng nobya kanina, kaya pinilit niya itong kuntakin uli ngunit di na siya sinasagot nito. Kaya nagtext na lang siya ng mga mensahen nagkukunwaring parang walang nangyari.
Malapit nang lumubog ang araw pero wala parin siyang natanggap na mensahe mula kay Raissa. Bahalang-bahala na talaga siya. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin hanggan sa nakatanggap siya ng mensahe mula dito, “Papuntahin mo si Aira dito para maibigay ko sayo ang perang pinahawakan mo”. Si Aira ay bunsong kapatid ni Roland. Pinahawakan kasi ni Roland ang pera kay Raissa para hindi niya ito magasta. Masakit man ang sinabi ng dalaga sa kanya, natutuwa na rin siya kahit papaano, kasi sa dami-rami na niyan naitext dito at sa haba-habang paghihintay na magpaandam ito, sa wakas ay nagreply na rin. Humingi siya ng paumanhin sa nangyari ngunit di parin matinag ang dalaga. Pinaamin niya ito sa totoo. Umamin naman ito, na hindi nga siya natulog at lumabas pa ng bahay. Na umaa na nang siya ay makatulog kasi nag-inuman sila sa bahy ng kanyang mga kabarkada pero kahit pa inamin na nito ang kasalanang nagawa, gait pa rin ang daaga sa kanya. Masakit man sa parte ni Raissa peo buo na ang kanyan desisyong makipaghiwalay dito dahil maraming beses na itong ginawa ni Roland. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay yong niloloko siya.
Luhaang lumabas ng kwarto si Roland at inutusan an kapatid na puntahan si Raissa sa kanilang bahay paa kunin ang pera. Ayaw man niyang ipakuha iyon pero gusto na ni Raissa na ibigay ang pera, kaya wala siyan nagawa. Tamang-tama sa palabas ni Raissa sa gate para bumili sa tindahan, ay siya namang pagdatin ni Aira. Ibinigay niya ito at sabay silang naglakad. Habang naglalakad, naitanon n kapatid kung bakit umiiyak si Roland sinabi niya ang totoo dito. Nabanggit din ni Aira na hapon na palang umuwi si Roland sa bahay at may bukol pa sa mukha dahil nabagok ito sa gate dala n kalasingan. Galit na galit din ang mga magulang nito dahil sinanla niya ang PSP sa kanyang barkada para bayaran ang nawalang pera na 500 pesos. Nalagla ito sa kanyan kamay na hindi niya namamalayan habang papunta sila sa tindahan para bumili na inumin. Sa nalaman, mas lalong nainis at nagalit si Raissa.
Nakalimutan niyan ipadala ang I.D sa paaralan nila Roland sa kanyang kapatid kaya naiisipan niyang ihatid. Alam din naman niyan tulog na ito kaya hindi na rin nito mapapansin ang kanyang pagpunta. Pagdating niya sa bahay nina Roland, nakausap niya ang nga magulang ni Roland at sila na mismo ang hgumingi ng paumanhin para sa anak. Alam nilang mahal na mahal ni Roland si Raissa kaya naman, pinakiusapan nila ang dalaga na pag-usapan muna nilang maayos ang lahat at pag-uuitin pa ni Roland ang nagyari, bahala na si Raissa'ng magpasya. Ito ang kasi ang nagpapatino sa kanilang anak, nagmula ng makilala niya si Raissa. Kitang-kita nila ang pagbabago nito mula noon. At sa kanya lang ito nakikinig.
Para sa mga magulang ni Roland, sinunod niya ang gusto nito at ayaw man niyang aminin dahil nag-uumapaw sa galit ang kanyang puso sa mga oras na iyon, ay mahal na mahal parin niya kahit papaano ang kasintahan. Pinuntahan niya ang tulog na binata at ibinuhos niya ang inis at galit na nararamdaman, at nang sa gayon ay mawala na rin ito matapos mailabas ang mga hinanakit. Humingi naman ng kapatawaran si Roland at nangakong hindi nauulitin. Nagawa lang naman niya iyon dahil natakot siyan magpaalam at baka hindi payagan.
Matapos ang madamdaming pag-uusap, umuwi na si Raissa na dala ang ngiti sa labi at magaan na loob. Si Roland naman ay maligayang nakatulog ng maayos.

0 comments:

Post a Comment